Ang Munting Prinsipe

 Ang munting prinsipe at ang mga teoryang pampanitikan 

Praised Be Jesus Christ and Mary!


Ako po si Brylle Celeste at isang kasapi ng National Writers Union na nakikiisa sa National Book Month at pagsusuri rito gamit ang teoryang pampanitikan.


Ang "Ang Munting Prinsipe" ay isang novela na nagsasalamin ng maraming wika at kultura, at patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga mambabasa sa lahat ng edad. Ito ay isang klasiko ng panitikan sa mundo na tumutukoy sa mga tema tulad ng paghahanap ng kahulugan ng buhay.


Ang nobela ay isinulat ni Antoine de Saint-Exupéry, isang Pranses na manunulat at piloto, at ito ay unang inilathala noong 1943. Simula noon, ito ay isinalin sa maraming wika, kabilang ang wikang Filipino.


Ang "Ang Munting Prinsipe" ay isang kwento na may malalim na kahulugan at puno ng mga simbolismo, at ito ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga mambabasa.




Ang munting prinsipe:

-Sumisimbolo sa Kabataan o isip ng isang bata, na naglakbay upang hanapin ang totoong pagkakahulugan ng buhay.


Eksistensyalismo:

-Ito at patungkol kung paano siya nabuhay sa Mundo, at ang kanyang pag-iral, na kung saang lugar siya napadpad.


Realismo:

-patungkol sa realidad ng pagiging bata, , pagiging masayahin, malikot, kuryusidad.


Piloto

-Nagpapakita ng isip matanda, at seryosong pag iisip sa mga bagay-bagay.


Realismo:

Tumutukoy sa realidad ng pagiging piloto, at isang mantanda na naghahanap ng solusyon sa bawat problema na binabato ng buhay.



Ang Rosas

-Ang minahal ng munting prinsipe, na Akala niya na siya lang ang may rosas.


Romantisismo:

Tumutukoy sa pag ibig, at pagtatangi na Akala ng munting prinsipe na siya lang ang may rosas.



Ang Soro

Nagpapakita ng mga kaalaman at koneksyon.



Moralismo:

Sumisimbolo sa pagkakaroon ng kaalaman, aral at asal sa buhay ng munting prinsipe.




Ang Hari

-Sumisimbolo sa kapangyarihann at mapagmataas na ugali sa lipunan.


Marxismo:

Pagkakaroon ng kapangyarihann ngunit wala namang impluwensya.




Ang negosyante

Nagpapakita ng isang reyalidad sa buhay at nagbebenta at walang pake alam sa kapakanan ng iba, dahil Ang kanyang hinahangad ay tagumpay sa buhay.


Marxismo:

Sumasalamin sa pagkakaroon ng kakayanan na umangat sa ekonomiya, kahit ito ay hindi matibay.




Ang Tagapag-ilaw ng -ilaw

-Sumisimbolo sa pagkakaroon ng isang hangarin at puno ng pokus, at katapatan.


Realismo:

Sumasalamin sa pagkakaroon ng isang hangarin sa reyalidad, tulad ng isang tao na trabaho 

-bahay, na walang oras para punan ang pangangailangan ng sarili.


Ipinasa kay: Gurong Princess Aubrey A. Ochia, LPT

Comments